Sex scenes nina Jaycee Parker at Jordan Herrera, totohanan?!

SA KABILA NG manaka-nakang intriga kay Jake Cuenca, napaka-cool ng young actor nang makita namin sa Pasiyam na misa para kay Douglas Quijano na responsible din noon para initially ay pangalagaan ang nagsisimulang career ng young actor. Sa kabila ng iba’t ibang pangyayari, it boils down to one thing: Jake is so blessed.
Mukhang patapos na ang Tayong Dalawa at susundan na ito ng Elias Paniki na magtatampok sa kanya in another action role, bahagi ng Agimat… Mga Alamat ni Ramon Revilla, koleksiyon ng TV remakes ng mga pelikula ni Ramon Revilla, Sr. At may pelikula pa siya, ang horror-thriller na Villa Estrella na kakaiba, dahil ang ginagawa niya sa TV ay hindi mapapanood sa pelikula.
May mga nagsasabing si Jake raw ang magdadala ng pelikulang Villa Estrella dahil sa cast nito, siya ang sinasabing pinaka-hot. Ayaw ilagay ni Jake sa utak niya na siya nga ang magdadala nito dahil group effort sa cast ito kung tutuusin, dahil nasa pelikula rin sina Shaina Magdayao, Maja Salvador at Geoff Eigenmann.
“Marami rin kasi sa ABS-CBN ang sikat, mas magaling umarte. Kaya para ako ang mapili ng ABS-CBN na maging leading man nina Shaina at Maja, malaking karangalan ‘yun sa akin. Gaya ng nasabi ko na sa The Buzz, hangga’t hindi ka pa nakagagawa ng pelikula sa Star Cinema, that doesn’t officially make you an ABS-CBN star,” nabanggit na lang ni Jake.
Very thankful si Jake sa blessing na ito, and he hopes na masundan pa ito ng magagandang pagkakataon, na mukhang mangyayari naman dahil alagang-alaga siya ng ABS-CBN. May mga nagsasabing kay Jake magre-reflect ang kung anumang kahihinatnan sa takilya ng pelikula. Gustong isipin ni Jake na ganoon na nga.
Ang gusto lang ng aktor, masakyan ng audience ang emotional rollercoaster na inaasahan nila, lalo na’t ito mismo ang na-experience ng mga artistang involved sa pelikula habang ginagawa nila ito.

MARAMI ANG PUMUPUNA sa katabaan ni Jaycee Parker sa pelikulang Big Night. Maski ang producer ng Leo Films na si Sixto Dy, napuna ito kaya sineseryoso na ni Jaycee ang pagpapapayat. In fairness, mahusay pa naman ang performance niya sa nabanggit na pelikula.
Ayaw naman niyang mabagsakan ng sisi si  Danilo Barrios na ka-live-in kasi niya. Ito raw ang dahilan kung bakit parang tinatamad sa kanyang showbiz career si Jaycee. Pero, hindi raw ito totoo. In fact, praktikal nga si Danilo na sa ngayon, kailangang magtulong sila ni Jayce sa pag-iipon. Gusto na rin sana nilang magpakasal, pero hindi mangyayari iyon hangga’t wala pa silang sapat na ipon.
Tiyak daw na ikai-insecure ni Danilo ang maiinit na eksena nina Jordan Herrera at Jaycee sa Big Night, kaya hindi malaman ni Jaycee kung paano ipaliliwanag kay Danilo ang mga eksenang kinasangkutan nila ni Jordan. Masyado raw kumportable sa isa’t isa sina Jaycee at Jordan kaya nagawa nilang parang napaka-realistic ang banatan nila sa kama, sa harap ng kamera, para sa kanilang pelikulang pinagsamahan.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.