Sex Scandal ng 2 estudyante, Kumalat sa Internet

KASALUKUYANG PI-NAGPIPIYESTAHAN ang sex video scandal ng dalawang estudyante na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa Cebu.

Napag-alaman na magkasintahan ang dalawang sangkot na estudyante na hindi na pinangalanan para na rin sa kanilang proteksyon.

Una rito, sinasabing ini-upload ng lalaki sa website ng YouTube ang sex scandal nila ng kanyang girlfriend na kanilang ginawa sa isang boarding house matapos silang maghiwalay kung saan ang babae ay nakauniporme at nakasuot pa ng school I.D. habang nakikipagtalik umano sa kanyang nobyo.

Gumawa na ngayon ng hakbang ang pamunuan ng unibersidad upang mapigilan ang pagkalat sa nasabing sex video na may Part 1 at Part 2.

Kahapon, inabisuhan din ng unibersidad ang lahat ng kanilang mga estudyante na hindi na gagamitin ang kanilang school uniform upang maiwasan ang diskriminasyon at kahihiyan.

Samantala, sinasabing ang babae ay HRM student, isang scholar at cum laude candidate.

Nakatakda sanang magtapos ngayong darating na buwan ng Marso ngunit kusa na itong tumigil sa pag-aaral matapos lumabas ang sex scandal sa internet.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.