Sex sa Beach: Japanese at GRO, Kalaboso

TIKLO ANG isang 31-anyos na Japanese designer matapos maaktuhang nakikipagtalik sa isang guest relation officer sa dalampasigan ng beach resort sa Barangay Bakhawan sa ba¬yan ng Daanbantayan, Cebu kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang dayuhan na si Keigo Netso, sikat na designer at tubong Shinagawaku, Tokyo, Japan.

Nadakip din ang ka-partner ng Hapones na si Arlene Diesto, 31, nagtratrabaho sa Mermaid Bar na matatagpuan sa Lapu-Lapu City, Cebu at nakatira sa Brgy. Pusok.

Ang dalawa ay inireklamo ng ilang residente kaugnay sa kalaswaang ginagawa ng dalawa na nagse-sex sa pampublikong lugar.

Agad namang rumes¬ponde ang mga operatiba ng pulisya at naaktuhan ang dalawa na kapwa hubo’t hubad na nagtatalik sa beach.

Sa ngayon, nakakulong na sa piitan sa himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kasong kri-minal laban sa dalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.