Sex- Micaela’s beauty secret!

Sino nga ba itong si Mikaela Bilbao, bukod sa pagiging operator ng Philosopy by Mikaela Advanced Aesthetic Center na magbubukas ng branch nila sa Sgt. Esguerra sa May 15?

Makikilala siyang lalo, ngayong nagpa-interview na siya tungkol sa kanyang beauty secret. At hahangarin din ng bawa’t babae, matanda man o bata, may asawa man o wala. Kaya nga inilagay ko na agad kung kailan ang dakilang event na ito.

“Sex,” anya, “is the best beauty secret, kapag in love ka, ‘pag sexually healthy, your skin glows. Kapag masaya ka, gumaganda ka and it exudes in your face, sa iyong aura. You simply shine!”

Nakatutulong din daw sa kagandahan ang pagiging positive sa buhay. Earlier kasi, she was talking about her unpleasant experience sa showbiz, kung saan nabola-bola raw siya ng isang manager at biglang nasayang ang milyon-milyon niyang investments para sa promo at expansion ng kanyang beauty center dito sa Maynila at mga karatig-pook. Malaking bahagi ito ng P500M na in-invest niya.

Lalo’t mag-e-expand din sila sa iba’t ibang lugar, tulad ng Ortigas, Davao, Cebu at maging sa Manhatan, New York, U.S.A.

“I just asked my board of directors to attend to this matter. Bahala na sila kung kailangan naming idemanda ang taong ito. I don’t let problems kasi, get the better of me. Naniniwala ako na may solusyon ang bawat problema. Hindi naman maiiwasan na magkamali tayo sa mga bagong kakilala o magdesisyon, dahil naniniwala tayo sa kanilang pambobola. Kailangan lang na mag-learn tayo from that experience.

“Ipagdarasal ko na rin siya (the talent manager). I always go to the adoration chapel sa Sanctuario de San Jose sa Forbes. Gusto ko ring mag-take ng yoga.

“Kailangan din tayong matulog nang humigit-kumulang sa 8 oras. Kapag kulang tayo sa tulog, nagiging irritable tayo at nagiging masama ang mood. Masama iyon para sa beauty natin, lalo na sa akin.”

Ipinaliwanag din niya na iba ang kutis ng lalaki sa babae. Ang mga lalaki raw kasi, ay laging nasa labas, exposed sila sa lahat ng uri ng pollutant. Mabuhok-buhok din sila, samantalang mas soft at tender ang sa babae.

Takot din daw siya sa sobrang exposure sa araw. Magma-manifest ito after 10 years, kapag tumatanda na tayo, even earlier. Pero kung hindi naman ito maiiwasan, mag-sunblock na lang. Huwag ding sobrahan because your skin spores get blocked at hindi na sila makaka-absorb ng Vitamin D.

Interesante din kay Mikaela ang pagkuha kay BB Gandanghari (Rustom Padilla) para maging endorser ng kanyang laser removal ng mga buhok-buhok sa kili-kili at katawan nito, para maging perfect girl na siya.

Nauna nang maging endorser niya and Queen-like daughter ni Annabelle na si Ruffa Gutierez (salon), Rufa Mae Quinto (stem cell technology) at Pops Fernandez na buti na lang kaibigan na ni Mikaela bago naganap ang “gulo” na posibleng magpatanggal sa kanya bilang endorser ni Mikaela.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.