Sex-For-Fly Victims, Tuloy ang Laban

TULOY ANG pagsasampa ng kaso ng pitong biktimang Pinay ng “sex-for-fly” scandal laban sa ilang labor officials sa Middle East.

Pawang nakasuot ng maskara, iniharap nina Akbayan Reps. Walden Bello at Ibarra Gutierrez sa Kamara ang mga biktima.

Sinabi ng Pinay worker na itinago sa alyas “Michelle”, sa kanilang kaso ng kasamang si “April”, nais nilang magdusa sa ilalim ng batas ang assistant labor attache sa Riyadh na si Tony Villafuerte.

Naging emosyonal ang dalawa sa pagharap dahil sa hirap na pinagdadaanan para maibalik sa normal ang kanilang buhay matapos ang naging karanasan.

Anila, walang katotohanan ang sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi sila magsasampa ng kaso dahil tuloy ang laban sa korte.

Tutulungan ng Akbayan na makapagsampa ng kaso at posible ani-lang mangyari ito sa mga susunod na linggo.

Tutukuyin pa anila kung saan pinakamainam ihain ang asunto.

Samantala, balak ding magsagawa ng pagsisiyasat ang House Committee on OFW Affairs ni Bello at inoobliga rin ng kongresista ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ilabas na ang resulta ng imbestigasyon sa sexual exploitation sa mga manggagawang Pilipino sa Middle East.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.