Sex-For-Fly Victims, Lumantad sa Senado

LUMANTAD SA Senado ang mga overseas Filipino worker (OFW) na biktima ng “sex-for-flight” scandal.

Kung dati’y naka-maskara at gumagamit ng alyas, wala nang takip ang mukha at ibinigay pa ng mga biktima ang kanilang tunay na pangalan sa Senate Blue Ribbon Committee.

Isa sa mga ito ay si Grace Sales, unang nagpakilala bilang alyas “Bessie” na 28-anyos mula sa lalawigan ng Isabela.

Nagtrabaho si Sales sa Saudi Arabia noong Enero 2012 at tumagal lamang ng dalawang buwan dahil sa masamang tangka ng amo.

Pero nang magpasaklolo sa mga kababayang opisyal, nabiktima siya ng panghahalay.

Ginahasa aniya siya ng isang “Kuya Jojo” na driver ng labor attache na si Adam Musa.

Ayon kay Sales, dahil sa dinanas: “Mas safe po ako sa labas kaysa du’n sa loob ng Bahay Kalinga.”

Hindi naman itinanggi ni Musa na driver niya si Jojo pero itinanggi aniya nito ang bintang.

Bukod naman sa panggagahasa, isinalaysay rin ni Sales ang iba pang hirap at gutom na dinanas bago makauwi sa Pilipinas.

Samantala, nagbi-gay-rin ng salaysay sina “Michelle”, “Angel” at “Annalisa”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.