Sex For Fly Victims, Hinikayat na Tumulong sa Imbestigasyon ng Kamara

HINIKAYAT NI House Committee on Overseas and Workers Affairs Chairman at Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng “sex for fly” na tumulong sa gagawing pagsisiyasat  ng Kamara.

Sinabi ni Bello na dapat na lumantad at makipagtulungan sa kanila ang mga OFW na nakaranas ng pang-aabuso upang mapabilis ang gagawing imbestigasyon ng Kamara.

Giit pa ni Bello na kailangan nila ang kooperasyon ng mga biktima upang mapanagot sa lalong ma-daling panahon ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) sa Middle East na sangkot sa “sex for fly” sa mga OFW na nais makauwi ng bansa.

Bukod dito, pumalag din si Bello sa pananatiling tahimik at sa kawalan ng aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa natu-rang isyu.

Samantala, karaniwan umanong nabibiktima ng “sex for fly” ay ang mga OFW na nahihirapan sa kanilang trabaho o nakakaranas ng karahasan sa mga amo at para makauwi ng Pilipinas ay inaalok ng mga opisyal na makipagtalik kapalit ng tiket pabalik ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.