Set ng Die Hard 5 nasunog!

NASUNOG ANG

5-storey building na gawa sa kahoy na ginamit para sa sequel ng action flick ni Bruce Willis na Die Hard habang sinu-shoot ito sa Hungary.

Ang ginamit na helicopter para sa isang eksena ang naging dahilan daw kung bakit nasunog ang nasabing structure kung saan natamaan ng blade at biglang nagliyab ito.

Hindi raw na-anticipate ng stunt coordinators ang pagsagi ng blade ng helicopter kung kaya bigla-bigla ay nagliyab ang naturang building.

“There was a fire on the set of ‘A Good Day to Die Hard’  in Hungary. No one was injured by the flames, which occurred during a pyrotechnics stunt just after midnight CET on Thursday, and were contained a short while later. Bruce Willis, was not on set, nor were other principal cast. Principal photography on the movie began in April in Budapest and is expected to wrap late summer,” kwento ng rep ng 20th Century Fox.

Makakasama ni Bruce sa sequel ng “Die Hard” si Patrick Stewart at inaasahang maipapalabas ito sa Feb. 14, 2013.

 

PATRICK SCHWARZENEGGER BAGONG BOYFRIEND NI TAYLOR SWIFT?

 

COUPLE ALERT! Me something daw ngayon sa pagitan ng country star na si Taylor Swift at Patrick Schwarzenegger na anak ni Arnold Schwarzenegger.

Sa Independence day noong July 4 daw kasi ay namataan ang 22-year-old country star na si Taylor na nagdiwang kasama ang pamilya ni Patrick, 18, sa Kennedy compound sa Cape Cod at nakita pa nga ang dalawa na nagyakapan noong dumating ang singer. And during the celebration ay namataan ang dalawa sa isang beach.

Sa tweet ni Patrick sinabi nitong, “Had such an amazing day. Best 4th of July I could ask for. Hope everyone had a great day!

Samantala, wala pang anumang tweet ang singer tungkol sa ka-nyang bakasyon kasama si Patrick.

 

SA PAGLADLAD NI ANDERSON COPPER: PARA LANG DAW SA RATINGS, AYON KAY STAR JONES!

 

MULA NANG ibunyag ng CNN anchor na si Anderson Cooper na isa siyang gay, maraming mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo at maging mga celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta sa nasabing host.

Pero isang nilalang ang nagsalita sa ginawang paglalahad ni Anderson at ito ay si Star Jones na isa ring talk show host ng “The View”.

Ayon kay Star, ginawa raw ni Anderson ang paglaladlad hindi para sa sarili kundi para sa ratings ng show nito. Sabi pa nito, “I’m a little bit of a synic. He’s a daytime talk show host and when the rating slip in daytime, the hosts tend to tell you lots of thing about them.”

Pinatamaan din ni Star maging si Oprah Winfrey sa ginawa nitong mga isyu noong 1990s para raw sa ratings na ang ilan ay pagiging pregnant ni Oprah noong siya ay 14, ang pagka-hooked niya sa drugs at ang pagpaplano niya ng suicide.

“The are times when you generate information for ratings.” Saad ni Jones patungkol sa ginawa nina Winfrey at Cooper.

 

JENNIFER LOPEZ GAGAWA NG ISANG LESBIAN TV SHOW

 

TIYAK IKATUTUWA ng mga lesbian ang magi-ging bagong TV drama show na kabibilangan ng Forbes’ Powerful actress in the world na si Jennifer Lopez.

Isang family drama ang nakatakdang kabilangan ni JLo para sa ABC na magre-revolve sa dalawa lesbian mommies. Ipakikita sa nasabing hour-long family drama ang buhay ng dalawang lesbians mommies na nagtataguyod ng mga anak at haharap sa mga problema bilang unusual parents.

Ayon sa isang source, “One of the mothers is a cop, the other is a private school teacher. They have one biological son and adopted teen twins, one a boy, the other a girl.”

Gagampanan ni JLo ang isang guest role lamang dahil bukod sa pagiging executive producer ng nasabing show ay magiging busy rin ito sa American Idol at sa World Concert Tour.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.