Seseryosohin na raw ang career… Bubbles Paraiso, uber sa pagka-gimikera?!

MAGANDA ANG ITINATAKBO ng showbiz career ngayon ni Bubbles Paraiso kaya nagpapasalamat ang hitad sa manager nitong si Annabelle Rama at sa GMA-7 na nagbibigay ng tuluy-tuloy na trabaho sa kanya at never siyang nababakante, huh! Nang mag-end ang Beauty Queen ni Iza Calzado eh, may-I-enter frame naman ang sexy actress sa afternoon soap na Nita Negrita kasama sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Aminado si Bubbles na may imahe siya na isang party girl pero nang magsimulang pumasok ang magagandang opportunity eh, nag-lie low na ang lola n’yo sa paggi-gimik o sa paglalabas-labas. Saad pa niya na hindi na siya bata at kailangan na talagang mag-seryoso sa career at sa buhay. Gan’un? May tama ka d’yan, Mare he-he! Ipagpatuloy mo lang ‘yan at harinawa eh, maging successful ka sa industriyang iyong pinili. But wait, akala ko ba titigilan mo na ang pagka-gimikera mo? Ano itong naispatan ng aming kamerang-gala? Halina’t silipin natin mga kaparazzi.

Photos by Luz Candaba & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

3 thoughts on “Seseryosohin na raw ang career… Bubbles Paraiso, uber sa pagka-gimikera?!

  1. ang lalake pala ng pata ni bubbles akala ko petite siya, but in fairness she’s pretty pero bagay siya sa mga kontrabida roles kase maldita face niya

Leave a Reply

Your email address will not be published.