SERYOSO?! RURU MADRID, GUSTO NANG MAGKA-BABY!

Ruru Madrid

NATAWA AKO sa tanong ng isang invited writer sa grand presscon ng bagong serye ng Kapuso GMA Network na “Sherlock Jr.” na maglulunsad kay Ruru Madrid as the newest solo-lead actor ng kuwadra tungkol sa isyung buntisan na ngayon ay isa sa mga problema ng mga kabataan natin.

Sa edad niyang 20 ay matagal na palang pangarap ng aktor na magkaroon ng anak (kahit out of wedlock or kasal).

Pahayag ni Ruru: “ Kung ako lang papapiliin, gusto ko magkaanak na talaga. Sobrang hilig ko sa bata. Sobrang iba ako sa bata. Sila yung nagpapagaan lagi ng loob ko,” paliwanag niya sa grupo ng mga taga-entertainment media tungkol sa pagiging young father niya kung sakali.

Janine Gutierrez and Ruru Madrid with Serena or Siri the Dog

Pero binawi agad ni Ruru ang kanyang statement na ngayon na may bago siyang teleserye on primetime kung saan co-star niya ang isang golden retriever named Serena or Siri for short ay ito muna ang kanyang magiging baby.

Pero paniwala ni Ruru ay kasal muna bago magka-baby na pagtutuwid  niya sa anggulo ng pagiging single dad or anak muna bago magkaroon ng asawa na ikakasal sila.

“Kasal muna bago anak,” pagtutuwid ng binata. Panigurado niya, kung sakali na may girlfriend man siya ay hindi niya ito bubuntisin bago ang kasal nila.

“Maingat ako,” panigurado niya na kung sakaling nagkakaroon or magkakaroon man si Ruru ng pre-marital sex encounter with his girlfriend or a casual friend, alam niya ang gagawin based sa naging ng sagot niya.

Ganun yata ang ruling sa INC (Iglesia ni Cristo) kung saan yun ang turo ng simbahan ng pamilya ng young actor.

Gabbi Garcia and Ruru Madrid

Sa bagong serye ng binata, makakasama niya si Janine Gutierrez playing the role of Irene Manansala, a lifestyle reporter na girlfriend ni Jack played by Ruru (na dahilan ng bashing sa dalaga ng mga fans nila ni Gabbi Garcia); itong Gabbi is playing the role of Lily Pelaez na isang dental assistant na mahilig sumali sa mga beauty contest.

Suportado si Ruru nina Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda at si Ai Ai delas Alas.

Sherlock Jr is directed by Rechie del Carmen at magsisimula na sa Lunes, January 29 pagkatapos ng 24 Oras.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.