Service Vehicle ng Alkalde, Kinarnap sa QC

KINARNAP ANG service vehicle ni Calintaan, Occidental Mindoro Mayor Lily Estoya sa Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Station 1 Commander Edmundo De Guzman base sa salaysay ng mga kaanak ng alkalde na tinangay ang itim na Isuzu Sportivo SKT 249 sa pagitan ng alas-10:00 Miyerkules ng gabi at alas-4:00 Huwebes ng madaling-araw.

Ayon naman sa anak ng alkalde na si Herbert Estoya na nakaparada lang sa harap ng kanilang apartment sa Barangay Santa Teresita ang sasakyan nang mawala.

Nabanggit ng ilang tricycle driver na itinulak lang ng mga salarin ang service vehicle at huling namataan sa bahagi ng P. Margal sa boundary ng Quezon City at Maynila.

Samantala, inabisuhan na rin ang mga kinauukulan para matunton ang naturang sasakyan.

  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.