Serbisyong Medikal sa Navotas, Isinulong

ISINUSULONG NG Pamahalaang Lungsod ng Navotas serbisyong medical itoy matapos idaos ang kauna-unahang Navotas Health Summit sa Bayleaf Intramuros Hotel Manila na naglalayong isulong ang mas mataas na antas ng kalusugan sa lungsod.
Sa pakikipagtulungan sa World Health Organization, Department of Health at Universal Health Care Study Group, naidaos ang aktibidad na may temang “NavotaAs: Creating Synergies for Health Systems Strentghening.”
Tinalakay sa summit ang kasulukuyang kondisyon ng kalusugan ng mga mamamayan ng Navotas, ang mga serbisyong medikal na hatid ng lokal na pamahalaan at mga pasilidad na nagbibigay nito sa bawat barangay.
Ipinresenta din ni Mayor John Rey Tiangco ang mga plano at isinasagawang proyekto ng lungsod sa kaugnay ng nasabing adhikain kabilang na ang “pag-maximize ng benefits ng free Philhealth Membership Program, computerization ng health records para sa mabilis na paggawa ng aksyon ng health department sa mga nakuhang impormasyon dito, pagpapatuloy ng educational campaign sa mga preventive measures sa anumang sakit, pagdagdag ng barangay health center, ang pagpapatayo ng Navotas City Hospital at higit sa lahat ay pagsiguro sa kalidad ng serbisyo mula sa ating mga health staff.”
Ayon kay Eduardo Janairo, MD, MPH, Director IV ng CHD, pinuri niya ang magandang record ng lungsod sa pagbaba ng kaso ng maternal death at dengue.
Aniya, “ang Navotas ang isa sa may pinaka-magandang performance sa Metro Manila sa pangangalaga sa mga buntis at mga sanggol dahil mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay zero ang record nito sa maternal death.”
Sinabi pa nito, hindi nalalayo sa kanyang puso ang Navotas dahil regular na humihingi ng payo noon ang dating Mayor at ngayo’y Congressman Toby Tiangco kung paano maitataas ang kalidad ng serbisyong medikal sa lungsod.
Isa na dito ang pagpapalakas at pagpapaganda ng mga serbisyo ng bawat barangay health centers upang mas mapadali ang access ng mga tao dito.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.