Serbisyo-publiko, bubuhos sa Navotas

PANGUNGUNAHAN NG pamahalaan lokal ng lungsod ng Navotas ang Convergence Caravan, kung saan bubuhos ang serbisyo-publiko sa tulong ng DWSD’s Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive, Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Project, at Sustainable Livelihood Program, na ang mga benepisyaryo ay pawang mga Navoteño, na gaganapin sa Navotas Sports Complex, ganap na alas-9 ng umaga sa darating na Setyembre 27, taong kasalukuyan.

Ang nasabing programa ay sinimulan noong 2009 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matugunan ang suliranin ng kahirapan sa bansa at pawang mga mahihirap na ang pamilya ang pipiliin, kung saan apat na barangay ang puntirya para maging benepisyaryo.

Sa kasalukuyan, ang mahihirap na pamilya sa 14 na barangay sa lungsod ang napagkalooban at nakatanggap ng buwanang allowance mula sa naturang programa para sa kanilang pang-araw-araw na gastos lalo na pag-aaral ng kanilang mga anak.

Iba pang serbisyo mula sa DSWD-NCR sa pakikipagtulu-ngan ng Navotaas Hanapbuhay Center, sa pamununo ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, ay ang jobs fair, medical and dental mission, pamamahagi ng Philhealth cards, libreng seminar kung paano magsimula ng negosyo o paggawa ng chicken nuggets at squid rings.

“These activity aims to assess so as to improve social services for the constituents of Navotas,” ani pang alkalde.

Aanyahan din sina DSWD Secretary Dinky Soliman at Navotas City Representative Toby Tiangco sa nabanggit na pagdiriwang para magbigay parangal at inspirasyon kung paano labanan ang kahirapan sa bansa. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.