Senyor Ramon, muling kinilala!

 

SA GINANAP NA 33rd  Catholic Mass Media Award noong October 19, muling kinilala ang nag-iisang si Senyor Ramon (Ramon Revilla, Sr.) na nakatanggap ng Lifetime Achievement Award at si Ms. Susan Roces ang naatasang magbigay ng nabanggit na parangal. Si Jolo Revilla ang nanguna sa mga apo ni Senyor Ramon sa pagkanta ng tribute song para sa kanilang lolo. Naging madamdamin din ang lahat  habang kinakanta ang “Iingatan Ka” na pinasikat noon ni Carol Banawa. Si Senator Bong Revilla, Jr. ang umalalay upang maiakyat sa stage ang kanyang ama na nasa wheelchair. Umiiyak na tinanggap naman ng dating senador ang kanyang award habang nasa stage din ang mga miyembro ng pamilya Revilla. Mula sa amin dito sa Pinoy Parazzi, congratulations po, gayundin sa lahat ng nagsipagwagi sa nasabing award ceremony.

Photos by  Mark Atienza

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.