Senior citizens, may discount sa ilaw at tubig

MAAARI NA ring mabigyan ng diskwento sa babayarang ilaw at tubig ang mga senior citizens.

Ito ay sa sandaling maamyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 matapos na ihain ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang House Bill 3169.

Sa ilalim ng nasabing panukala, papayagan ng gumamit ang mga matatanda ng anumang government identification cards para makuha ang mga diskwento o benepisyo sa mataas na bayaran ng ilaw at tubig.

Nakasaad din dito  na kailangan kilalanin ng mga establisyemento ang anumang government ID ng  mga senior citizens tulad ng driver’s license, passport, voter’s ID, SSS or GSIS IDs, PRC or postal IDs, bukod pa sa ID ng Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA).

Itinatakda ng naturang panukala na makakakuha ng 5 porsiyentong diskwento sa unang 100 kilowatts hours na nakonsumo  at 5% din para sa unang 30 cubic meters ng tubig at ibibigay ang nasabing diskwento kahit na ilan ang matatanda na nakatira sa isang bahay.

Ayon pa kay Atienza na lumalabas  sa report na hindi nasusunod ng maayos ang nabanggit na batas dahil na rin sa kalituhang nangyayari sa ilan nitong probisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.