Senglot, Umakyat ng Ligaw: Nahulog sa Hagdan, Patay

HINDI INAKALA ng isang lalaki na ang pag-akyat nito ng ligaw sa kanyang minamahal ang magiging dahilan ng kanyang maagang kamatayan nang aksidenteng mahulog sa bahay kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Bandang alas-5:00 ng umaga kamakalawa natagpuang wala nang buhay nang matagpuan ang biktima ay nakilalang si Leandro Gatica y Villaruel alyas Andoy, 56, vendor, ng Sitio Rosal St., Brgy. Maysilo, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi huling nakitang buhay ang biktima na lasing na lasing na umakyat ng ligaw sa bahay ng kanyang nililigawan na si Lourdes Toralba.

Dito, aksidenteng nadulas habang paakyat ng hagdan si Gatica at buma-gsak sa semento. Sa sobrang hiya ay nagpaalam na itong umuwi subalit kinabukasan ay natagpuan na itong patay.

Sa isinagawang imb- estigasyon ng Scene of the Crime Operatives -Northern Police District Office- (SOCO-NPDO), nabagok ang ulo ng biktima, kung saan nakitaan ng mga tuyong dugo sa ilong.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.