Senglot, Nahulog sa Dyip, Tigok

PATAY ANG isang lalaki matapos mahulog sa kanyang sinasakyang dyip kahapon ng madaling araw sa may Buena Oro, Barangay Macasandig, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nasawi na si Edito Deligalo, may asawa at residente sa Elena Homes, Barangay Macasandig.

Lumalabas sa ulat, lasing ang biktima habang nakasakay sa dyip kung saan sa front seat pa ito umupo.

Subalit, pagdating sa Buena Oro, nahulog ang biktima.

Nagtamo ng mala-king sugat sa ulo si Deligalo at pasa sa katawan na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.