Senglot na Pumatay sa Kainuman, Tiklo

SAN JOSE DEL Monte City – Hindi na nagawang makatakas pa ng isang lalaki na responsable sa pagpatay sa kanyang kainuman sa pamamagitan ng patalim kamakalawa ng gabi sa Sitio Glory Subd., Brgy. Dulong Bayan sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Michael Romero, 27 anyos, construction worker; samantalang ang suspek naman ay nakilalang si Francisco Avinsoza Y Dugos @ Ekoy, 39 anyos, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:30 ng gabi nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa isang birthday party dahil umano sa malakas itong kumain ng pulutan.

Nabatid na walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima, kung saan papauwi  na ang binata nang maganap ang insidente. Samantala, isinugod pa sa pampublikong pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Kalaboso ngayon ang suspek sa kasong Homicide sa San Jose del Monte City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.