Senglot na Mister, Ipinakulong ni Misis

HINDI NA nagdalawang isip pa ang isang ginang upang ipahuli at ipakulong ang senglot nitong mister na gumulpi sa kanya habang nasa isang kasiyahan sa  Brgy, San Isidro-ll, Paombong, Bulacan .

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni OIC PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang dinakip na suspek na si Guawdencio Gongon, 21 anyos, walang trabaho, residente sa nabanggit na lugar; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Marie.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, naganap ang panggugulpi sa labas ng bahay ng isa nitong kaibigan,dakong alas-3 ng madaling-araw.

Nabatid na bigla na lamang dumating ang suspek na umano’y lasing sa alak,kung saan bigla na lamang hinila papalabas ng bahay ng kanyang kaibigan si Misis, na kinaladkad sa basketballcourt, habang binubugbog hanggang sa makarating sa mga puno ng Sasa. Kung saan dito na nawalan ng malay ang biktima dahil sa tindi ng gulpi na inabot sa kamay ng lasing na mister.

Nag-ugat ang away nang sabihin ni Misis kay Mister na desidido na itong makipaghiwalay,bagay na labis na ikinagalit ng huli.

Ayon sa nakababatang kapatid na biktima, halos limang oras na nawalan ng malay sa Perez District Hospital sa bayan ng Hagonoy ang biktima dahil sa tinamong bugbog at sugat sa katawan.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Paombong Municipal Jail sa kasong paglabag sa R.A. 9262 na Violation of Women and Children Act.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.