Senglot na Kelot, Lasog sa Tren

PATAY ANG isang lalaking umano’y lasing matapos masagasaan at makaladkad pa ng service train ng Philippine National Railways (PNR) sa riles sakop ng Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Rolando Diaz, 30-anyos.

Ayon sa ina ng biktima na si Ginang Rosela, may pinuntahan ang anak kasama ang dalawang kaibigan at nakipag-inuman doon.

Malamang umano ay nakatulog ito sa riles at hindi na narinig ang busina ng tren ng PNR na humahatak sa mga nagkaaberyang tren.

May isa pa umanong nakasaksi ang nagtangkang gumising kay Rolando ngunit hindi ito nagising.

Nabatid na kamakalawa pa pinaghaha-nap si Rolando at nang makari-nig ng sigawan, tumambad sa ina ang lasog-lasog na katawan ng biktima.

Sinabi ni SPO1 Romel Salvador ng Makati police na mahaharap pa rin sa kasong homicide ang drayber ng towing train na si Ricardo Solia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNR ang drayber ng nasabing tren.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.