Senglot, Lasog sa Tren

LASUG-LASOG ANG katawan ng isang 43-anyos na lasing makaraang masagasaan at makaladkad ng tren sa bayan ng Cabuyao, Laguna noong Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat ng mga awtoridad na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi kung saan galing sa inuman ang biktimang si Edwin Mananquil.

Dahil sa sobrang kalasingan ng biktima ay sinasabing umupo ito sa riles at nakatulog kung saan hindi napansin ang paparating na tren ng PNR hanggang sa tuluy-tuloy na nabangga ng tren na sa kamalasan ay nakaladkad pa ng ilang metro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.