Senglot, Kulong sa Panunutok ng Baril sa Menor de Edad

PATUNG-PATONG NA kaso ang isinampa ng mga awtoridad laban sa isang la-sing na caretaker ng farm na nagpaputok ng baril at nanutok sa isang menor de edad kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. Bayabas, Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Joel Estaris kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Alejandro Cruz Y Gratela, 37, residente sa nabanggit na barangay, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Obet, 17, na inumbag, at tinutukan ng Llama cal .45.

Base sa inisyal na

imbestigasyon ng mga awtoridad sa biktima, dakong alas-2 ng madaling-araw nang susunduin sana nito ang kanyang mga kapatid nang masalubong nito sa daan ang lasing na suspek, kung saan walang sabi-sabing tinadyakan siya nito at tinutukan ng baril.

Makalipas ang ilang oras, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek base sa reklamo ng binatilyo, nakumpiska mula sa kanya ang isang Remington 16 gauge shotgun, isang cal .22, rifle, at isang Stevens double barreled 22/ 40 rifle, at iba’t ibang uri ng mga bala.

Kasong paglabag sa Republic Act 7610, at PD 1866 as amended RA 8294 at Grave Threat, Illegal Discharge of Firearms.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.