Senglot, Kulong sa Pananakit sa Ka-Live-In

KULONG ANG isang lasing na lalaki matapos hatawin ng screw driver sa ulo ang kinakasama makaraan ang pagtatalo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Violation of Women’s and their Children’s Welfare Act si Antonio Genecela, 41 ng Block 45, Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, umuwing lasing ang suspek na sinita ng kinakasamang si Risiel Marano, 30.

Nauwi sa pagtatalo ang pagsita ng biktima hanggang sa kumuha ng screw driver ang suspek at ihataw sa ulo ng kinakasama.

Nagdugo ang ulo ng biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga baragay tanod at ipadakip ang suspek bago sinampahan ng nasabing kaso.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.