Senglot, Kulong sa Pagdaklot sa Ari ng Nene

SWAK SA kulunagan ang isang senglot matapos daklutin ang ari ng neneng naglalakad sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Leonilo Mores, 30 ng Sangciangco st., Tinajeros ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktimang edad 14 ang pinsan at nang madaan sa lugar ng suspek ay biglang dinaklot ng lasing na si Mores ang ari ng nene.

Napasigaw ang biktima na narinig ng mga barangay tanod na naging dahilan upang dambahin ang suspek at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.