Sendong Tragedy, World’s Most Deadliest Storm Ngayong 2011

ITINURING NA pinakamalupit ang bagyong Sendong na tumama sa buong mundo nga-yong taon.

Ito ay dahil pinangangambahang lumagpas ng 1,000 katao ang nasawi sa nasabing trahedya sa Northern Mindanao, Palawan at Visayas.

Sa patuloy na search and rescue operation, as of 6 AM noong Martes, umabot na sa 957 ang namtay  habang daan-daan pa ang nawawala.

Sa record, umabot lamang sa 902 ang namatay nang bagyuhin ang Brazil noong January, habang 657 ang namatay sa flashfloods sa Thailand mula June hanggang November ngayong taon din.

Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Mario Montejo, ito na ang pinakamapinsalang bagyo na tumama sa Mindanao simula noong 1980.

Maging si Dir. Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay hindi makapaniwala na ganito karami ang mga nasawi sa pana-nalasa ng isang bagyo.

Sa Cagayan de Oro pa lamang, sinabi ni Mayor Vicente Emano, posibleng aabot ng 900 o 1,000 ang bilang ng mga nasawi sa kanilang lugar.

Bukod  sa Cagayan de Oro at Iligan City, 17 ang nasawi sa Bukidnon, lima mula sa Mt. Diwalwal, Compostela Valley; isa sa Surigao del Sur, apat sa Lanao del Sur, 38 sa Negros Oriental, isa sa Cebu at tatlo mula sa Zambonga del Norte.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.