Senator Kiko Pangilinan, kinabahan sa kalusugan ni Sharon Cuneta!

PUMUTOK NA NGA ang balita ng pagkakabukol ni Sharon sa suso nito, pero nilinaw na rin ng Megastar na maayos na ang kanyang kalusugan ngayon at sa awa ng Diyos ay natanggal na ang mga bukol na ito. Maluwag nang naikukuwento sa amin ni Megastar kung paano niya ito nadiscover at tanging si Senator Kiko nga lang daw ang pinagsabihan niya nito.

“Madaling araw ‘yun. I was about to take a bath tapos nu’ng kinapa ko, may tatlong bukol dito (kinapa ang breast part). Tinawag ko na si Kiko tapos nag-iiiyak na talaga ako,” kuwento ni Sharon. Pero agad na raw silang naghanap ng medical options para matingnan ang kanyang kalusugan.

“Kinabahan talaga ako kasi may history kami sa family ng ganoong cancer,” patuloy ni Sharon, “Pero sa awa ng Diyos, wala na siya at hindi naman cancerous. Thank you Lord talaga!”.

Na-touch naman daw si Sharon nang malaman niya na sobrang naapektuhan ang mga Sharonians nang pumutok ang balita. Marami raw nagpadala sa kanya ng mensahe at doon niya naramdaman kung gaano karaming taong nagmamahal sa kanya.

Matipid naman si Senator Kiko Pangilinan sa kanyang pagsagot nang tanungin namin siya tungkol sa pag-amin ni Sharon. “Naku, I dont want to comment on that, kasi very personal ‘yan and as much as I want, si Sharon na lang ang tanungin niyo tungkol diyan.” Pero nang tanungin namin siya na kung anong nasa isip niya ngayong nakalampas si Sharon sa pagsubok na iyon ito ang sagot niya: “Nagpapasalamat kami sa Diyos na maayos na si Sharon.” Pero aminado siyang kinabahan siya dahil siya lang ang sinabihan ng asawa.

MAINIT PA RING pinag-uusapan ngayon ang Pinoy Big Brother na naging usap-usapan dahil sa mga twist and turns sa mga ginagawa ng mga housemates sa PBB house. Apat ang nominado at medyo mainit na prediction na ang lalaking si Jimson ang mae-evict sa bahay ni Kuya. Si Jimson ay ‘yung housemate na may asawa at nabigyan ng task na magpakilala na walang asawa. Nabigo sila sa kanilang task nang bumigay si Jimson. At ngayon, mukhang may panibagong conflict na namang haharapin ang mag-asawa. May usapan daw sila ng kanyang asawa si Kath na kung maeevict si Jimson, dapat daw ay sumama na si Kath. Pero nang ikonsulta ito ni Jimson kay Big Brother matapos ang nomination night, ‘di agad pumayag si Kuya sa gusto ni Jimson. Kung lalabas si Jimson at mae-evict sa Sabado, siya lang at hindi kasama ang kanyang asawa. Makalalabas lang ng bahay si Kath kung magbo-voluntary exit ito.

Nakakatense na ang mga eksena sa loob ng bahay at iboto n’yo na kung sino ang gusto niyong isalba sa nalalapit na eviction night. Sino kina Carol, Jason, Jimson at Princess ang gusto n’yong i-save? Ayon na rin sa pamunuan ng PBB, isa lang sa kanilang apat ang matatanggal. Naku ha, feeling ko nga si Jimson na ‘yan!

Say nyo?

loading...

5 thoughts on “Senator Kiko Pangilinan, kinabahan sa kalusugan ni Sharon Cuneta!

  1. regular naman yan sa mga doctor at hospital, kaya lang naman may pelikula kasi kailangang mag create ng kontrobersya para mapag usapan. para namang hindi nyo kilala si sharon mula nuon hangang ngayon OA pa rin walang pinagbago akala nya ay 16 years old pa lang sya. GROW UP sha

    • walang dapat ipagalala si sharon kung sinabi ng doctor na benign ang cyst niya sa dibdib. Maswerte pa rin siya at hindi ito malignant. Kung nasa lahi nila ang pagkakaroon ng kanser sa dibdib, dapat ay regular siyang magpa-mammogram.

Leave a Reply

Your email address will not be published.