Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart Evangelista

NAKAKALOKA NAMAN! Nagsisimula nang mag-promote ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sinabayan naman ng malaking isyu nina Heart Evangelista, pati pa itong gulo nina Kris Aquino at James Yap.

Ang ganda pa naman ng dating ng trailer ng pelikula nila at unti-unti nang pinag-uusapan ang magandang chemistry nina Richard at Marian.

Sabi nga ni Richard, parang nakikita raw niya kay Marian ang katauhan ng nanay niya. Palaban kasi si Marian, at sinasabi niya talaga na ipinaglalaban niya ang gusto niya, basta wala lang siyang natatapakang tao.

Sabi pa ni Richard, nakikita niya kay Marian na mabait, maalaga at marunong makisama. Iyon din daw si Annabelle Rama kaya naging close agad ito. Bago pa nga raw naging Marimar si Marian ay nakilala na raw ito ni Richard at nagkasama pa sila sa SOP noon.

Sa April 10 na ang showing ng My Lady Boss at inaasahan din ni Marian na susuportahan ito ng mga fans nila ni Dingdong Dantes na mga Dongyanatics.

 

ANG LAKING gulo na nga itong nangyayari kina Sen. Chiz Escudero at sa magulang ni Heart Evangelista.

Ang tindi ng mga paratang ng magulang ni Heart laban kay Sen. Chiz, pero ayaw pa munang magsalita nito para hindi na lumaki ang gulo.

Kaya lang, pursigido itong magulang ni Heart na palakihin ang gulo at baka aabot pa raw sa demandahan.

Nu’ng kamakalawa lang ay nagpadala ng e-mail ang Mommy ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco na may pamagat na Why Our Family Rejects Chiz Escudero.

Nakasaad doon ang mga dahilan kung bakit kontra sila sa relasyon nina Heart at Sen. Chiz.

Ang tindi ng mga paratang nila na bastos daw sa kanila si Sen. Chiz, madalas daw ay amoy-alak ito at meron pang gusto raw ipatanggal ni Sen. Chiz si Mrs. Ongpauco sa kontrata ng aktres sa GMA-7, bilang manager nito.

Madalas din daw ginagamit ni Sen. Chiz ang kotse ni Heart na Mercedes Benz.

Hanggang sa nabanggit nito, pinag-iisipan daw nilang kasuhan si Sen. Chiz.

Nakasaad sa e-mail na ipinadala ni Mrs. Ongpauco; “Since our backs are pushed to the wall, we intend to file cases against Chiz; a criminal case for libel, for claiming in the middle of a family feud; when the truth is, Chiz is the very source of our family feud.

“We might also file an additional criminal compaint for incriminating an innocent person.”

Hay, naku! Ang gulo na talaga!

Kaya wala raw ginawa ngayon si Heart kundi iyak na lang daw nang iyak.

Pinasasalamatan na lang nito ang mga bestfriends niya, na isa na nga rito si Alessandra de Rossi na sumusuporta sa kanya.

Ang curious  ako dito, ano kaya ang masasabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na siyang nag-match sa dalawa?

Ang narinig ko kasi, suportado raw ni Sen. Santiago ang mga magulang ni Heart dahil dito naman talaga siya close.

Ang pagkakaalam ko lang, si Sen. Miriam ang nag-ayos ng statement ng mag-asawang Ongpauco na ibinigay sa press.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ‘yan.

 

AYAW RING paawat itong gulo nina Kris at James, ha!

Pagkatapos na-grant ng korte ang Temporary Protection Order na hiningi ni Kris laban kay James, itong huli naman  ngayon ang magpa-file daw ng hold departure order laban sa anak niyang si Bimby.

Dahil sa kasong isinampa ni Kris laban kay James, pipigilan daw niya ang pag-alis ni Bimby, dahil alam niyang nakatakda silang magbakasyon ni Kris sa Amerika sa darating na Holy Week.

May paliwanag diyan ang abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan. Kaya abangan n’yo rin ‘yan sa Startalk bukas.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart Evangelista

  1. Sino and malapit sa GMA 7 ang political rival ni Chiz ? Erap naman, pagsabihan mo naman ang mga tsikitings mo. May kaya naman ang magulang ni Heart, pero, magkano ba ? Mukha kasing ngayon lang nakisawsaw ang daddy niya.

  2. hahahahahaha…kawawang malditang marianita,d pinagusapan movie nya dahil sa issue kena heart at chiz,..ginagamit pa nya si heart para sa movie nya at maungkat muli ang away nila dati,.poor marian d pinatulan ng madlang people ang gimik nya,.for sure flop movie nya,..MARIANITA LAOS!

  3. DYUSKO NATABUNAN NG NG ISYU NINA KRIS AQUINO AT JAMES YAP ANG KINA HEART AT CHIZ HAHAHAHAHA! EH, KASI NAMAN ANG KONTRABIDA TALAGA DYAN AY ANG MGA MAGULANG NI HEART NA MGA MATAPOBRE! LAHAT NA LANG ME KONTRA SILA SA MGA NAGIGING BF NG ANAK NILA, MAS MALALA PA SILA KAY MOMMY DIVINE

  4. nalowkah me sa pics ni janice de belen sa debut ni julia montes(pics on pep) nagmumura ang cleavage) majubang matrona ang peg,kaninu nia kia pinapakita un?sagwa nakakaumay

  5. hahaha karma yan ni marian rivera! ginamit nia pa si heart sa promo ng movie sabi nia sa pep may lamat na daw frenship nla ni heart at sa tono ay ayaw nia na makatrabaho ito.pwede naman sumagot ng no comment para di na ungkatin past gulo nila..ngayon tuloy kinarma si marian..di na tuloy lalo mapag uusapan movie nia na walang appeal dahil sa heart chiz issue na mas gustong topic ng bayan hahaha

    • Tama. At anong lamat sinasabi ng lola Marian e siya naman ang pinagmulan ng away nila ni Heart. Na pagselosan ang pagtatambal dapat ni Heart at ni Dingdong sa isang teleserye na tsinugi na lang ng Syete dahil nag-power tripping ang lola Marian. Ayun flopsina tuloy ang My Beloved nila. Ahihihi..

  6. NAKOH, TULAD NI TETAY, MAY TRACK RECORD NA RIN ITONG MUDRA NI HEART NA MANIPULATIVE. AT PAKIALAMERA RIN SA LOVELIFE NG JUNAKIS NILA. DI BA SYA RIN YUNG SUMUGOD SA AIRPORT PARA I-CONFRONT SI MARIAN AT MAY BITBIT NA SECURITY HA! HAHAHA HALOWKHA! DI KO KINAYA NA SI MUDRA ANG MAGDEDEMANDA NG LIBEL EH SILA NI PUDRA ANG PURO PERSONAL ANG ATAKE AT PAGBIBINTANG KAY CHEEZE.

    HINDI KAYA GALIT LANG SI MUDRA DAHIL DI NA SYA ANG “MOMMYGER” NI HEART? ABA, MALAKING TULONG DIN SA BANK ACCOUNT YON HA. AT THEY CONTRADICTED THEMSELVES SA PRESSCON NILA! SABI NI MUDRA, NA IMMATURE PA SI HEART AT DI KAYANG MAGDESISYON NANG TAMA. MAYA MAYA, SABI NAMAN NI PUDRA, MATANDA NA SI HEART AT NASA TAMANG EDAD NA. HANOVAH!

    PATI ANG BENZ HA, SAN NAMAN KUKUNIN NI CHEEZE ANG SUSI? NAKOH, I BET SI HEART DIN NAMAN ANG NAGDRIVE NYAN KASO NGA LANG, HINDI UMUWI NANG MATAGAL. PARA NAMANG CAN’T AFFORD SI CHEEZE NA MAGKARON NG BENZ. BAKA PA NGA BENTLEY, JAGUAR O LAMBORGHINI ANG KOTSE NYAN. HAHAHAHA. SANA NGA LANG DI GALING SA SENATE BUDGET ANG PINAMBILI. HAHAHA

    MGA MAYAYAMAN TALAGA, NAKAKALOKAH!

  7. Basta ang alam ko, laos na si MARIAN RIVERA. Wala na ang Marianknights at mga bopol nyang fans. Mabuhay si Karylle at Antonette Taus!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.