Senate Probe Vs Water Scandal, Tuloy

PURSIGIDO PA rin ang mga mambabatas na siyasatin ang Maynilad at Manila Waters sa isyu ng pagpapasa ng buwis at iba pa nilang bayarin sa mga konsyumer.

Ito ay kahit inamin na ni Sen. Juan Ponce Enrile na walang magagawa ang Kongreso para harangin ang pagpapasa o kaya ay ipa-refund sa consumers ang sobrang singil dahil nakapaloob ito sa kani-lang kontrata.

Sinabi ni Sen. Francis Escudero na mahalagang mabusisi ang nasabing isyu para makahanap ng paraan paano maiibsan ang pasanin ng publiko.

Naniniwala rin si Sen. Teofisto Guingona na kailangang magpatawag ng public hearing para alamin ang mga remedyo pang magagawa ng Kongreso sa mga ganitong kasunduan na pinapasok ng pamahalaan.

Samantala, may kapangyarihan din aniya ang Kongreso na bawiin ang kontrata na pinirmahan ng mga kumpanya kung mapapatunayan na may nangyaring iregularidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.