Senate probe laban sa ex-DND officials, hihilingin

BALAK NA IMBESTIGAHAN ng Senado ang rekomendasyon ng Special Defense Investigation Committee (SDIC) laban sa tatlong da-ting mga opisyal ng Department of National Defense (DND), kaugnay pa rin sa kaso ni dating military comptroller Carlos Garcia.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, kanyang hihilingin kay Defense Sec. Voltaire Gazmin ang kopya ng report ng SDIC para malaman ang buong detalye ng sumbong.

Una rito, inihayag ni SDIC head Atty. Patrick Velez na nagawa ni Garcia na maiwasan ang kanyang two-year sentence sa ilalim ng military court dahil sa “inaction” ng mga

dating opisyal ng DND sa kaso nito.

Kabilang sa mga tinukoy na dawit na opisyal ay sina dating Defense Sec. Norberto Gonzales, dating Defense Usec. for legislative affairs Arturo Lomibao at Usec. for legal affairs Arturo Valenzuela.

Samantala, pinuri naman ng senador ang naging hakbang ni bagong Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hilingin sa Sandiganbayan ang pagbasura sa naunang plea deal kay Garcia. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.