Senate Presidency ni Drilon, Hot Topic sa Senado

KINONTRA NI Sen. Chiz Escudero ang pahayag ni Nacionalista Party (NP) president Sen. Manny Villar na hindi pa 100 porsyento na sigurado si Sen. Franklin Drilon na siya ang magiging susunod na Senate president sa 16th Congress.

Sinabi ni Escudero na kagaya ni Villar ay isa ring kaalyado ng administrasyon, maaring ang mga nag-iingay ngayon ay may nais lamang makuha na posisyon sa pagpasok ng bagong Kongreso.

Maaalala na sinabi ni Villar na patapos ang termino sa Hunyo 30, halos si Drilon na nga ang magiging susunod na Senate president ngunit hanggat hindi ito pormal na nahalal sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 22 ay hindi pa siya nakasisiguro.

Pero ayon kay Escudero, “Kasama na siguro ‘yan sa mga tsismis at intriga bago magbotohan pero hintayin na lang natin siguro ‘yung araw ng botohan.”

Bagama’t aminado ang nakababatang mambabatas na hindi lahat ng kasapi ng mayorya ay mapasasaya ng uupong Senate president sa hatian ng committee chairmanship.

“Well ang mahirap naman talaga kung napakarami ng mayorya, mahirap mong mapaligaya lahat ng mayorya kung napakarami ninyo, un-equilibrium, a balance will be reached before the vote comes sa pagpili ng Senate president at ang outcome sa palagay ko, ‘yon pa rin, si Senator Drilon pa rin ang mananaig,” ani Escudero.

Samantala, si Escudero ay lantaran na rin ang paghingi nito ng committee on education bagama’t nilinaw nito na preference lamang ‘yung hi-ningi at hindi kundisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Senate Presidency ni Drilon, Hot Topic sa Senado

  1. Pingback: Senate Presidency ni Drilon, Hot Topic sa Senado - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.