Senate Funds, Pinayagang Ipabusisi sa COA

NAGSUMITE NA ng mga dokumento ang Senate Accounting Office sa Commission on Audit (COA) simula kahapon.

Matapos ang isa’t kalahating oras na caucus, nagkasundo ang mga senador na susunod sila sa sulat ng COA na ipinadala sa opisina ni Senador Panfilo Lacson na humihiling na isailalim sa audit ang pondo ng Senado.

Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on Accounts na ibig sabihin nito ay waived na ang Concurrent Resolution No. 10, dahil ang isusumite ng Senado ay hindi lamang certification kundi mga resibo, vouchers at iba pang liquidating instruments.

Kabilang sa ili-liquidate ang kontrobersyal na maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga mambabatas, pero lilinawin ng Senado sa COA kung anong taon magsisimula sa mga dokumento.

Ayon kay Lacson, nagkasundo rin ang mga senador na ceasefire muna sa bangayan.

Ang problema lang aniya ay ang mga senador na hindi nakadalo sa caucus, kabilang sina Senador Pia at Alan Cayetano, Miriam Defensor-Santiago, Bongbong Marcos, Bong Revilla at Manny Villar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.