Senate Court, ready na sa trial resumption

TIYAK UMANONG magiging abala ngayong linggo ang Senate impeachment court sa muling pagpapatuloy ng paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Presiding-Judge at Senate President Juan Ponce Enrile, kabilang sa mga nakahanay nilang agenda ngayong araw ay ang petisyon ng defense panel hinggil sa pagbasura sa Articles 1, 4, 5, 6 at 8 ng impeachment complaint laban kay Corona.

Matatandaan na nag-hain ng apela ang mga abogado ng punong mahistrado na kailangang pagpasyahan ng impeachment court ang mga binawing articles of impeachment ng prosekusyon.

Para sa panig ng depensa, dapat umanong pagpasyahan ng hukuman na absuwelto si Corona sa limang articles of impeachment matapos itong iurong ng prosecution panel.

Maliban dito, pagpapasyahan din umano ng hukuman ang offered evidence ng prosekusyon sa kanilang kaso laban sa punong mahistrado.

“Una, pagpapasyahan namin iyong petisyon ng depensa to dismiss iyong Article 1,4, 5, 6 at Article 8. Pagkatapos ay pagpapasyahan namin iyong offer of evidence ng prosekusyon. Pagkatapos mapagpasyahan namin iyon, mag-umpisa na ang presentasyon ng ebidensiya ng depensa,” pahayag ni Enrile.

Una na ring inihayag ni defense panel spokesman Atty. Tranquil Salvador III na kabilang sa mga una nilang testigo ay si Navotas Rep. Tobias Tiangco.

Patutunayan umano sa testimonya ng kongresista na depektibo at minadali ang reklamo laban kay Corona.

Base sa napagkasun-duan ng impeachment court, magsisimula ang hearing ganap na alas-2:00 ng hapon at magtatapos ng alas-7:00 ng gabi, simula ngayong Lunes hanggang Huwebes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.