Senador Bong Revilla admits his wife Congresswoman Lani Marcado is the one holding tight in their relationship

 

BLIND ITEM: NAKAKATUWA naman ang isang dating sexy actress na ngayon ay napabayaan na ang katawan. Kasi, kahit lumusog siya nang bongga ay marami pa ring nakakakilala sa kanya sa mall madalas.

Ano ba ang ginagawa niya sa mall? Bakit madalas?

Siya ngayon ang namamahala sa puwesto ng isang sexy actress na very thankful siya, dahil tinulungan siya nito nu’ng siya’y nangangailangan.

At dahil kaila-ngan niya ng trabaho, binigyan din siya nito. Siya na ang tumatao sa puwesto nito ng mga tindang sabon sa isang mall.

Happy naman daw ito sa trabahong i-binigay sa kanya. Kaso, may pamilya rin itong nais itaguyod, kaya ang suweldong P300 per day ay hindi kakasya sa kanyang pamilya.

“Gusto ko pong bumalik sa showbiz. Alam ko naman pong hindi na ako ganu’n kasikat, kahit nga P5,000 lang a day, okay lang. Malaking tulong na po ‘yon sa akin at sa pamilya ko.”

Sey ng aming source, “Papa O, tulungan mo, maganda pa rin siya ngayon kahit na lumaki katawan niya. Nakakaawa.  Naparami tuloy ang bili ko ng sabon sa kanya!”

Aba, hindi pa naman tapos ang laban ng buhay. Naniniwala kaming sa hirap ng kanyang mga pinagdaanan ay mas humusay siya sa pag-arte ngayon at kaya na niyang umawit ng “Lalalalalala…”

 

“MY WIFE I married three times!” Ipinagmamalaking sey sa mikropono ni Sen. Bong Revilla sa harap ng mga bisita nu’ng May 28 kung saan muli silang nagpakasal para sa kanilang silver wedding anniversary.

In fairness, kahit pa sino ang ma-link o kahit kung kani-kanino pa nababalitang may anak si Bong ay “solid” pa rin ang samahan nila ng kanyang wife na si Cong. Lani Mercado.

Honestly, noon pa ay nasabi na sa amin ni Sen. Bong na si Lani ang nagdadala ng kanilang relasyon, dahil kung hindi matibay-tibay ang kanyang misis ay baka hiwalay na sila noon pa.

Si Luigi nga na kelan lang na-meet ni Lani ay agad na natanggap nito bilang stepson at close na close pa sa mga anak nila ni Bong.

At in fairness, maganda pala ang boses ni Luigi, huh! Sabi lang namin dito ay nakakapanghinayang lang na medyo maliit siya. Kung tumangkad-tangkad lang ito ay baka sikat na sikat ito ngayon.

Siyanga pala, totoo ba ‘tong naririnig namin na tatakbo bilang Vice President sa 2016 si Sen. Bong habang si Lani naman ay congresswoman pa rin para sa last term nito if ever magwagi ito muli sa 2013?

Let’s see.

 

MASYADO NANG NATATAKOT si Vice Ganda sa ganda ng ratings ng Gandang Gabi, Vice! dahil for two consecutive weeks ay inilalampaso nito sa ratings ang kalabang show.

“Oo, siyempre, nakakatakot, dahil weekly ring tumataas ang expectation ng mga tao sa show na ito. Eh, this is good for only 13 weeks, dahil one season lang ang pi-nirmahan ko.

“Parang subok-subok lang naman ito, tapos, ang nakakatuwa pa, ang daming artistang gustong mag-guest na, dahil aliw na aliw sila, kaya happy na rin ako!”

Hinaluan pa ng kaba ‘yon, dahil sa July 1 na nga ang concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum kung saan bongga ang ticket selling.

Sa mga gustong manood at magpa-reserve ng tickets, please call ticketnet at 911-5555.

 

Baka type n’yong i-follow kami sa Twitter (@ogiediaz) at sa aming blogsite na wwww.ogiediaz.blogspot.com at paki-like naman kami sa aming fanpage “The Ogie Diaz.” ‘Yan ay kung hindi naman nakakaabala sa inyo. Hahahaha!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.