Senado, Sisiyasatin ang Power Rate Hike ng Meralco

INAASAHANG PAPASOK na rin ang Senado sa pagsisiyasat hinggil sa P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil ng Meralco.

Sinabi ni Senador Antonio Trillanes na sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law ay dapat na masiguro na abot-kaya ang singil sa kuryente.

Taliwas aniya rito ang nakaambang dagdag na singil bagama’t hahatiin sa tatlong bagsak.

Target din ng kanyang inihaing Senate Resolution No. 411 na alamin ang tungkol sa umano’y sabwatan ng mga nagpapatakbo ng planta.

Ayon pa sa mambabatas, marapat lamang na tutukan ito ng Senate Committee on Energy para maprotektahan ang publiko, lalo’t hindi pa nakababangon ang marami sa mga nagdaang kalamidad.

Matatandaan na una nang umarangkada ang pagdinig ng Kamara sa bigtime power rate hike. Inaprubahan na rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang nasabing hakbang ng Meralco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.