Senado, ok sa pre-trial vs Corona

MAS NANAISIN pa umano ng Senado, bilang isang impeachment court, na magsagawa muna ng pre-trial bago ang aktuwal na paglilitis sa kinakaharap na impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay impeachment court spokesperson, Atty. Maria Valentina Cruz, nais umano ng mga senator-judges na matukoy kung ilang testigo ang inaasahang haharap sa paglilitis at ang mga dokumentong ihahain ng prosecution at defense panels. Layunin umano nito ay para mapabilis ang proseso.

Una nang inihayag ni House committee on justice chairman at lead prosecutor Iloilo Rep. Neil Tupas na posibleng abutin ng anim na buwan ang gagawing paglilitis sa punong mahistrado.

Wala pa umanong desisyon ang impeachment court kung isasama na nito sa agenda sa January 16 ang naunang kahilingan ni Corona na magsagawa muna ng preliminary hearing ang korte sa kanyang kaso.

Sa panig ng prosecution, iginiit nito na “delaying tactics” lamang umano ang ginagawa ni Corona sa paghirit ng preliminary hearings.

Muli namang naghain ng karagdagang petisyon ang ilang indibidwal para tangkaing harangin ang impeachment proceedings ng Impeachment Court o Senado laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa isang-pahinang petisyon, hiniling nina Atty. Oliver Lozano at Rev. Bernardo Magno na maglabas ang Kataas-taasang Hukuman ng status quo ante order laban sa impeachment proceedings.

Matatandaang una nang humirit ng TRO ang apat na katao, kasama rin si Lozano at dating IBP President Vicente Millora noong nakaraang taon.

Ang TRO ay may layuning pigilan ang impeachment process habang ang status quo ante order naman ay upang ibalik ang estado ng usapin bago nagkaroon ng impeachment proceedings ang Kamara laban sa punong mahistrado.

Bukod kay Lozano, humabol din kahapon si Atty. Allan Paguia ng dagdag na petition for TRO. Si Paguia ang dating abogado ni former President Joseph Estrada na matagal ding nasuspinde dahil sa paglaban sa hukuman.

Samantala, ang mga kahilingang ito ay matatalakay pa sa Enero 17, 2012 sa pagbabalik sesyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Senado, ok sa pre-trial vs Corona

  1. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

Leave a Reply

Your email address will not be published.