Senado, Magpapatupad ng Reporma sa Pork Barrel Funds

BAGAMA’T HINDI na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat sa kontro-bersiyal na multi-billion peso pork barrel scam, magkakaroon ng mga pagdinig ang Senado para sa ipatutupad na reporma sa paggamit ng priority development assistance fund (PDAF) ng mga senador.

Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Teofisto Guingona III, sa isinagawang pagpupulong ng mga senador na napagpasyahan nilang si Senate committee on finance chairman Chiz Escudero ang magsasagawa ng mga pagdinig kasabay ng budget hearings upang bumalangkas ng mga panuntunan sa layunin na hindi maabuso ang pondo ng mamamayan.

Kukunsultahin umano ng lupon ni Escudero ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung paano higpitan ang paggamit ng nasabing pondo.

Maaalala na nagpasya ang mga senador na hindi na magsagawa ng sariling pagsisiyasat sa multi-billion pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga kasamahang mambabatas sa halip ay ipinaubaya na lamang ito sa investigating body tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Commission on Audit (COA) at Ombudsman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.