Senado, mag-move on na raw Kamara, nakiusap na ‘wag nang parusahan si Aguirre

NAKIUSAP SI House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales Jr. sa Senado na huwag nang parusahan si Atty. Vitaliano Aguirre kaugnay ng kinakaharap nitong contempt charges.

Sinabi ni Gonzales na panahon na para mag-move on ang mga senator-judge mula sa scenario ng pagtatakip sa tenga ni Aguirre at ang galit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Bagama’t aminado ang House official na hindi angkop sa sitwasyon ang ginawa ng kanilang nagbitiw na private prosecutor, maituturing namang maliit na isyu ito para ikulong pa ang naturang abogado.

Inihayag din ni Gonzales na hindi na nila papalitan sa puwesto si Aguirre dahil sapat pa rin ang bilang ng kanilang mga pro bono lawyers na tumutulong mula noong umpisa ng paglilitis.

Hiniling din nito sa mga senator-judge na dagdagan ang pagtitimpi at huwag namang sigawan ang kanilang mga kasamahang mambabatas dahil inihalal din naman ito ng mga tao na kanilang pinagsisilbihan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.