Senado: Libel, dapat i-decriminalize

IGINIIT NG liderato ng Senado ang pag-decriminalize ng libel sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na kung isinusulong ng marami ang pag-decriminalize ng libel sa online ay dapat gawin na rin ito sa Revised Penal Code.

Hindi naman aniya maaari na lusot sa online ang isang akusado pero hindi naman ito makaliligtas sa Revised Penal Code.

Sa Senado, maraming mambabatas ang pumapabor na i-decriminalize ang libel.

Ito ang kinumpirma mismo ni Senate President Pro-tempore Ralph Recto matapos ang ginawang pagdinig kamakailan hinggil sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

“My position is to decriminalize libel… many in the Senate I think are in favor of decriminalizing [libel],” pahayag ni Recto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.