Senado, ‘Di Mapipigilan ng SC – Miriam

WALANG KAPANGYARIHAN ang Korte Suprema na magpatigil sa nagpapatuloy na impeachment proceedings ng Senado na tumatayong impeachment court kaugnay ng kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang pahayag ng isa pang constitutionalist na si Sen. Miriam Defensor-Santiago kasabay ng kanyang pagbabalik sa Senado matapos na ilang linggong dumanas ng hypertension.

Ayon sa mambabatas, walang makahihigit pa sa impeachment court kaugnay ng kapangyarihan nitong dinggin ang isang impeacement case dahil may solong kapangyarihan ito batay sa Konstitusyon.

Katunayan, dapat umanong tawagin na “High Court of Impeachment” ang hukuman na aniya’y hindi basta mahaharang ng isang simpleng temporary restraining order (TRO) ng SC.

Bagama’t wala aniyang problema sa Senado bilang impeachment court na sumagot sa nakabinbin na TRO sa SC dahil isang paggalang ito sa sangay ng pamahalaan.

Hindi naman aniya ibig sabihin na dahil sumagot ang Senado sa Korte Suprema ay pasasailalim na sa kanilang hurisdiksyon, sa halip ay maaari rin itong paraan ng edukasyon sa hukuman sa usapin ng kanilang kapangyarihan.

Nabatid na pinasasagot ng SC ang Senado kaugnay ng mga nakabinbin na petisyon, kung saan hinihiling na ipatigil na ang impeachment proceedings laban sa punong mahistrado dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.