Sen. Villar, ayaw nang maging presidente

MAAGANG TINULDUKAN ng Nacionalista Party ang political career ni Sen. Manny Villar Jr., sa presidential election sa 2016.

Ayon sa misis ng senador na si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, wala nang plano ang kanyang asawa na kumandidatong muli bilang pangulo ng Pilipinas.

Aniya, tatapusin na lamang nito ang termino bilang senador sa susunod na taon at itutuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa pagtulong sa mga OFWs at panga-ngalaga sa kalikasan dahil ito ang chairman ng Villar Foundation.

Sa kabila nito, ibinunyag ng anak ng senador na si Las Piñas Rep. Mark Villar, na ang kanyang ina ang kakandidato bilang senador sa susunod na taon sa ilalim ng Nacionalista party.

Bukod naman kay Villar, tinuldukan na rin ni dating senador at ngayon ay Transportation Sec. Mar Roxas ang pangarap na maging pangulo ng bansa sa 2016.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.