Sen. Sotto, Binalak Ding Mag-resign

BINALAK DIN ni Senate Majority floor leader Tito Sotto na magbitiw kamakalawa ng gabi matapos ang pagre-resign ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Naisip aniya gawin ito dahil sa sama ng loob, pero napigilan siya, dahil marami pang trabaho na dapat gawin sa Senado.

Kahapon ang huling sesyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at ayon kay Sotto ay wala nang aasahang “fireworks.”

Tila wala na rin aniyang balak si Enrile na maglitanya ng accomplishments ng Senado sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Pero para sa kanya, pinakamalaking pagsubok ang isinagawang impeachment trial kung saan napatalsik si Chief Justice Renato Corona, gayundin ang mga debate sa Sin Tax at Reproductive Health (RH) bills.

Wala nang hihigit pa sa liderato nina Enrile at Senate Pres. Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada kasama siya bilang majority floor leader, dahil halos walang absent sa mga sesyon, giit ng mambabatas.

Samantala, sinabi naman ni Sotto na may isang grupo ang nagsulong ng botohan para sa bagong Senate president pero pinigilan ni Sen. Franklin Drilon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.