Sen. Revilla, paiimbestigahan ang pagbaha sa Bulacan

MALOLOS CITY – NAKATAKDANG maghain ng resolusyon sa plenaryo ng Senado si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., committee chairman ng Public Works and Highways, kaugnay sa naganap na malawakang pagbaha sa lalawigan ng Bulacan partikular sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Obando at Paombong na lubhang napinsala ng rumaragasang tubig-baha.

Ito ang naging pahayag ni Revilla sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi noong Sabado ng gabi nang personal itong  maghatid ng tulong sa mga residenteng lubhang tinamaan ng halos sampung talampakan na taas ng tubig-baha, sa kasagsagan ng bagyong Pedring.

Ayon sa senador, mahalaga ang pagtutulungan sa ganitong pagkakataon, nais niyang ipadama sa taong bayan na nagluklok sa kanya bilang senador ng Pilipinas, aniya sa pamamagitan ng mga pagkain at inumin na kanyang dala nais niyang matiyak na makararating sa mga taong-bayan ang kanyang tulong.

Aniya, makalipas ang tatlong araw, mula sa pag-hahain ng resolusyon, agad niyang ipatatawag ang mga namamahala ng dam sa Gitnang Luzon, upang isailalim sa imbestigasyon ng Senado kung paano at bakit nangyari ang biglaang pagtaas ng tubig-baha gayong kakaunti lamang ang dalang ulan ni Pedring.

Sinabi pa ng senador na bilang chairman ng Public Works, isasama na rin niya sa imbestigasyon ang usapin ng rehabilitasyon ng Angat Dam na sinasabing mahina na ang pundasyon dahil sa katandaan ng istruktura nito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.