Sen. Pimentel, umalma sa gusto ni de Lima

HINDI UMANO papayagan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang nais ng Department of Justice (DoJ) na iabsuwelto ang dalawang dating Comelec election supervisors ng Cotabato na sina Lilian Radam at Yogie Martirizar.

Ang mga ito kasi ang itinuturo ng senador na may kagagawan ng pagmanipula sa boto ng mga senador, kung saan naideklarang nanalo si Sen. Migz Zubiri ngunit sa berepikasyon ay natuklasang si Pimentel ang tunay na nagwagi noong 2007 polls.

Matatandaang pinalagan ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga akusasyong nakikialam siya sa kaso ng electoral sabotage laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, Radam at Martirizar.

Binigyang-diin ng kalihim na kinailangan nilang mamili sa pagitan ni Abalos at ng dalawang dating election supervisors upang lumitaw ang tunay na utak ng dayaan.

Sina Martirizar at Radam aniya ang pinakamalakas na testigo laban kay Abalos kaya mas pipiliin na lamang nilang magsakripisyo upang mapanagot ang mga mas malalaking personalidad.

Para kay Pimentel, walang karapatan ang mga ito na maging testigo dahil sa laki ng kanilang kasalanan sa batas.

Ang kuwalipikadong testigo ay ‘yung least guilty sa kaso at hindi ang major players, giit ni Pimentel. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sen. Pimentel, umalma sa gusto ni de Lima

  1. Pingback: Sen. Pimentel, umalma sa gusto ni de Lima - Aquilino "Koko" Pimentel 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.