Sen. Pimentel, insensitive – Bautista

INAKUSAHAN NI Atty. JV Bautista si Senator Koko Pimentel ng pagiging insensitive sa sentimyento ng kanyang mga kasamahan sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na miyembro ng koalisyong United Nationalist Alliance (UNA).

Sinabi ni Bautista, tagapagsalita ng UNA, ang ginawang pagtungo ng senador sa pagtitipon ng Liberal Party (LP) sa Cebu ay naglalayong ipahiya si suspended Governor Gwendolyn Garcia.

Si Garcia ay miyembro ng PDP-Laban at official candidate ng UNA sa congressional elections.

Samantala, idinag-dag pa ni Bautista ang ginawang pagboto ni Pimentel kahapon para mapatalsik sa puwesto si Senate President Juan Ponce Enrile na chairman ng UNA.

Nakalimutan na aniya ng mambabatas na si Enrile ang pumirma sa declaration of unity kaya nabuo ang UNA.

Dahil sa naging aksyon ng senador, sinabi ni Bautista na inilayo nito ang kanyang sarili sa posibleng suporta na maibigay ng PDP-Laban sa kanyang kandidatura sa midterm elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.