Sen. Pia Cayetano, Naghain ng Motion for Intervention sa RH Law

NAGHAIN SI Senador Pia Cayetano ng motion for intervention sa Supreme Court (SC) kaugnay ng nakabinbing Reproductive Health (RH) Law.

Base sa kanyang opisyal na Twitter account, ipinaliwanag ng senador na ito’y upang kontrahin ang mga inihaing petisyon na pumipigil sa implementasyon ng batas.

“Ill be in the Supreme C[our]t to file my intervention/opposit’n to the petition of anti-RH groups to prevent implement’n of RH law.”

“Filed my intervention/opposition to the petition of anti-RH groups in the Supreme Court,” ani Cayetano.

Maaalala na pinigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng RH Law noong Marso 19 sa pamamagitan ng inilabas na status quo ante order na may bisa sa loob ng 120 araw.

Samantala, inabot ng 14 na taon sa Kongreso ang RH Bill bago tuluyang naisabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.