Sen. Miriam, Hinirang na Int’l Court Judge

IPINAGMALAKI NI Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pagkakahirang sa kanya sa International Criminal Court (ICC).

Mismong ang mambabatas ang nagkumpirma kahapon ng umaga hinggil sa kanyang pagkakapanalo sa ginanap na eleksyon.

Una nang inihayag ng media officer ng senador na si Tom Tolibas na nanalo ang mambabatas sa “first round of voting” matapos itong makakuha ng 79 boto.

Nanguna umano sa botohan ang senadora, kung saan tinalo nito ang kinatawan mula sa bansang Trinidad and Tobago na mayroon lamang 72 boto.

“Mas big deal siya kasi hindi siya umabot sa second round kasi she got enough votes na,” ani ng opisyal.

Matatandaan na noong Oktubre, inihayag ni Santiago na magre-resign siya bilang mambabatas sakaling makapasok ito sa ICC. Ang termino niya bilang senador ay magtatapos pa sa taong 2016.

Hinihintay na lamang umano ng senadora ang pormal na tawag sa kaniya ng ICC para simulan ang bagong tungkulin.

Ang International Criminal Court (ICC) na naka-base sa The Hague, The Netherlands ay isang independent international organization na siyang naglilitis ng mga “most serious crimes” kabilang ang genocide, crimes against humanity at war crimes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sen. Miriam, Hinirang na Int’l Court Judge

Leave a Reply

Your email address will not be published.