Sen. Kiko Pangilinan launches “Register, Vote and Protect”

SURE NA! NOW na ipapahayag ng Bullchit na sa Miyerkules, May 13, ang soft launching ng VP candidacy ni Sen. Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng kanyang BUS for RVP (Register, Vote and Protect) sa Tatalon, malapit sa Araneta Coliseum, na posibleng magsimula bago mag-alas 7 ng gabi onwards.

Karespe-respeto ang hindi paggamit ni Sen. Kiko para sa sarili niyang kapakanan ng Sharon ni Megastar Sharon Cuneta noong Linggo, kasama pa ang dalawa niyang anak na si Frankie, at Miel. Gusto lang niyang batiin ng Happy Mother’s Day ang asawa at ina ng kanyang dalawang anak, sabay ang paghalik, hindi po lips to lips, kundi nguso sa nguso! Sana, hindi n’yo na-miss ang eksenang iyon which lasted for some time. Hindi instant na humiwalay sa nguso ni Mega ang nguso ni Sen. Kiko kundi nagtagal talaga. Wala silang pakialam kahit nakatingin ang guests na sina Ai Ai delas Alas, Nova Villa at mister na si Freddie sa show. Na-carried away talaga sila.

Dahil promo ang gabing iyon ng BFF (Bestfriends Forever) nina Mega at ni Ai-Ai, bukod sa relasyon nila bilang mag-asawa, inamin din ni Sen.Kiko na bestfriend din niya si Sharon. Ito ang nakapagpapatibay lalo ng kanilang pagsasama, kaya it will lasts forever.

Tiyak ding eeskortan ni Sen. Kiko ang misis sa premiere night ng BFF sa Martes. Sa inggit nga ni Ai, kakarayin niya ang Venezuelan suitor niya para mayroon din siyang kakapitan. Kakabugin daw ng 25 years old na si Julio Cabrera ang kamachohan ni Kiko, promise ni Ai.

Bukod sa dating boksingero si Julio, model din siya, katuwiran ni Ai. Si Bong Quintana daw ang nagpakilala sa kanya kay Julio. Bong, incidentally is also BFF to my friend Boy Abunda.

Sinadya ni Sen. Kiko na unahin muna ang mahahalagang araw sa buhay ni Sharon bago ang sarili niya – ang Sharon, premiere night at first day showing ng BFF.

As expected, dadalo din si Mega after maglibot sa mga sinehan sa soft launching ni Sen Kiko.

Nakatutuwang malaman na naroon si KC Concepcion at isang malaking karangalan para kay Kristel Moreno ang pagkaka-imbita sa kanya para isigaw na 18 years old na siya at first time niyang boboto. Si KC at si Kristel ang makikilalang isa sa mga “Faces of the New Youth Voters.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

One thought on “Sen. Kiko Pangilinan launches “Register, Vote and Protect”

  1. I will definitely vote for Sen. Kiko as VP. He is an asset of our country not because he is the hubby of our megastar but because he has done well in the Senate.
    I have dual citizenship and I will go home in 2010 to vote.

Leave a Reply

Your email address will not be published.