Sen. Kiko Pangilinan, hinaharang ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?!

LIHIM NA pinag-uusapan, pero si Senator Francis “Kiko” Pangilinan diumano ang isa sa mga unang itinuturong dahilan kung bakit sa ngayon ay hindi pa matutuloy ang matagal nang planong balik-tambalan sa pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Parang kung ang pagiging husband daw ng Megastar ang tutukuyin, hindi umano kumbinsido ang mabait na Senador sa muling pagtatambal ng mommy’t daddy ni KC Concepcion.

Marami na ang kabado at nalulungkot kung hindi na talaga matutuloy ang nasabing project. Kasi nga, kung totoong hindi pabor si Senator Kiko sa nasabing balik-tambalan, hindi talaga pupuwedeng alisin ang karapatang iyon, dahil asawa siya.  Si Sharon din naman ang tipo ng tao at artista, na kung ang isang bagay na kanyang gagawin ay pagmumulan lang ng intriga at mga gusot ay hindi na lang niya iyon itutuloy. Mas mahalaga para kay Shawie ang katahimikan ng kanyang pamilya.

Samantala, si Gabby naman ay napagbibintangan na kaya hindi pa rin kumbinsido na matuloy ang tambalan nila ni Sharon ay dahil sa isyung mas mataas kumpara sa kanya ang talent fee na tatanggapin ng Megastar, samantalang magkapareha naman sila. Hindi raw maiaalis kay Gabo ang karapatang iyon, dahil kilala siyang masinop sa pera. Kaya lang, hanggang ngayon ay mas malaking artista pa rin si Sharon kumpara sa kanya, na sumunod sa kasikatan nina Nora Aunor at Vilma Santos kaya mataas pa rin ang talent fee.

 

ANG ISA sa magandang ugali ni Gerald Anderson bukod sa mapagmahal siya sa kanyang pamilya, ‘yung siya mismo ay inilalapit niya ang kanyang sarili sa mga taong gusto niyang pakisamahan. Kahit sikat na si Gerald, hindi siya mayabang. Hanggang ngayon, hindi siya makapagsalita, umiiling at napapangiti lang kapag pinuri mo siya na sikat na sikat na siya.  Kasi nga, siya ‘yung hindi naaapektuhan ng kasikatan niya.

Maganda ang friendship na namamagitan ngayon kina Gerald at Sarah Geronimo. Pero ang lamang na pag-uugali ni Gerald sa dating boyfriend ni Sarah na si Rayver Cruz, hindi naduduwag si Gerald sa mga nababalitaan niya, na mahirap daw pakisamahan ang mga magulang ng pop princess. Naka-iskor si Gerald sa usaping iyon, dahil habang nagkakasama sila sa trabaho ni Sarah, pinakikisamahan din niya ang pamilya ng dalaga. Ang resulta, walang nasasabing masama tungkol sa kanya ang mga magulang ng singer-actress.

Ang dapat na lang paghandaan ni Sarah kung sakaling mauwi sa relasyon ang closeness nila ni Gerald, ang maraming selos na pupuwede niyang maramdaman. Hindi lang kasi madaldal si Gerald, dahil may pagkamahiyain pa siya. Pero sa totoo lang, sobra siyang lapitin ng mga babae. Si Gerald ang pinakamalapit na lalaki ngayon kay Sarah, kaya nakamasid na sa kanila ang marami at ang pag-amin na lang nila ang hinihintay sa ngayon.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Sen. Kiko Pangilinan, hinaharang ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?!

  1. tabatsoy sharon sarah pango divine suplada ” take away queengreedy”gerald a player bagay nga kayo plus nakisawsaw kiko ayos plus ruffa maarte katulad ni Kris aquino conceited manipulative middle age woman “cannot leave without a man to use and manipulate sama sama kayo sa isang movie for sure blockbuster,good luck

  2. Naku eto na naman ang publicity write up sa Gerald Sarah loveteam. Nakakasuka na hah! Ang dapat IMBESTIGAHAN ay yung christmas gift na tshirt ni Sarah kay Gerald, iyon ba ay TAKE HOME lang ni mommy Divine at hindi talaga binili ng divine take home queen na yan? Kakahiya huh, puro take home ng kung ano ano si mommy Divide, I am sure, pinangreregalo niya lahat yung mga take home items na yan!

  3. Nostra tumago ka na– dahil baka ikaw lang ang babagsakan ng hollow block sa kukote mo– O baka nangyari na? kasi “WAS” ka ng “WAS”….waswasin ka talaga!

  4. tumatak ba ang dalawang movies nila ha ate mole? hahahaha! my gosh! may chemistry sila pero hindi sila marunong umarte lalo na yang ritsard na yan! hahaha! 60million teh? ang blockbuster FYI ate mole, ung naggross ng 100+million! hahahaha! yang 137 mo pinagsama na ng dalawang pelikuli nila! hahahaha! kaya wag mong ipagmalaki ang mga idolo mong may certified flops na movies! HAHAHAHAHA! pathetic loser! hahahaha

  5. hoy luka luka krissy.. gaga ka talaga ..paano naging flop ang movie ni kc & richard .. eh kumita ito.. yung ftft 137 million..star cinema… wimu..60 plus..gma… yun ba ang flop..baka mukha mo krissy ang flop… echotsera lukaret.. looser..boooooo

  6. Ha ha ano kaya kung isama si kiko sa movie para di magseselos…..
    Nostra Followers parang gusto mo ring sumikat like Achee Flores ah or iisa lang kayo na parang nasiraan ng ulo bwahahahahhahahah.

  7. At saka hindi na bagay kay Sharon Cuneta ang leading lady role dahil medyo mataba na siya ngayon..Hindi na sila bagay ni Gabby dahil si Gabby hanggang ngayon na-maintain nya ang body nya, di sya tumaba kaya puwede pang leading man. Si Sharon dapat mag-reduce ng weight kung gusto pa nyang maging bankable.

  8. kahit naman matuloy ang movie nina gabby at sharon, hindi naman kikita o certified flop! parang ung mega hype na movies nina kc concepcion at richard gutierrez eh flop naman, parehong di marunong umarte. kaya no big deal sa diumano’y pagsasamahan ng dalawang laos nang artista!

Leave a Reply

Your email address will not be published.