SEN. KIKO PANGILINAN, APRUB MAGING SEKSI ULI SI MEGASTAR!

NAKAUSAP NAMIN SI Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan. Ano ang reaksyon niya sa relasyon nina KC Concepcion at Piolo Pascual?

“Naku! She’s already of age, hindi na ako nakikialam sa kanilang buhay dahil nasa tamang edad na sila. Silang dalawa na lang ang tanungin ninyo,” sey ng Senador.

In fairness kay Piolo, ser-yoso naman ang ginawa nitong pangliligaw kay KC. Nagpaalam pa nga ang binata kina Sharon at Sen. Kiko na aakyat ito ng ligaw sa dalaga.

“Nasa tamang edad na si KC. She knows. Basta kami, binigyan namin siya ng advice, guidance. Alam na niya kung ano ang pinakamabuti. We will trust her. Her judgement and respect.”

Naging matatag ang pagsasama ng mag-asawang Kiko at Sharon kahit pilit silang pinaghihiwalay ng intriga. Naging solid ang kanilang relationship, kahit walang okasyon, palaging may regalong natatanggap ang Megastar sa Senador. Madalas din daw niyang ipagluto ngayon ang TV host-actress?

“Kaming dalawa. Ako ngayon ay nagluluto na rin. Pasta ang niluluto ko, pero siya nung Pasko, roast turkey. Ako kasi, Kapampangan, masarap kumain ng Kapampangan foods.”

This year, dream ni Sharon na magkaroon ng sariling farm at wish nito na ‘yun ang ibigay sa kanya ni Sen. Kiko.

“We’re working on that. Hindi kasi ganoon kasimple. Ang farm, full time ‘yan. Hindi pupuwedeng iasa lang sa iba, kailangan personal. Ang agriculture, araw-araw ‘yan. Hindi puwedeng part time. We have a property, to develop the property is another. Iniisip namin dito sa Luzon.”

Kamusta na ‘yung resort ninyo ni Sharon sa Bohol?

“Iniisip pa niya kung ano ang puwedeng gawin. Looking for possible tourist, pero wala pang final.”

Ano ang comment ni Sen. Kiko sa issue na niretoke raw ang billboard ni Sharon?

“Laging gano’n naman. Sa akin, very competitive ang industriya. Siyempre, merong hindi matutuwa, ‘di ba?”

Mas feel ba niyang manumbalik ang sexy figure ng Megastar?

“Kung saan siya masaya. I don’t want to pressure her. In her time, if she’s good and ready. Kung masaya siyang gano’n, masaya din ako sa kanya. Kung nagpapa-sexy siya, pero masyado naman siyang nai-stress at masyadong masama ang pakiramdam at naapektuhan ang health niya, bakit pa?

“Kung sexy siya at masaya siya dahil sexy siya, great! Kung ang feeling naman niya, napi-pressure  siya  na kinakailangan niyang mag-lose weight at masyado siyang apektado, huwag! Basta masaya ka at kuntento ka sa sarili mo, ‘yun ang pinakaimportante sa lahat. It doesn’t matter to me how you look, it’s how you feel.”

Lalong naging kumpleto ang kaligayahan ng mag-asawa nang dumating sa buhay nila ang adopted baby boy nila. Wala na bang chance na magka-baby pa uli ang Megastar?

“Pupuwede pa. But mahirap siyang magbuntis. At saka ako, kasi, parang gusto kong bigyan ng oras, lahat ng oras na maaari kong ibigay sa kanila. Kapag nagdagdag pa ng isa, parang kawawa naman ito. Baka mabawasan ng oras, mababawasan ‘yung iba. Sa akin, ang importante nabibigyan ng quality time bawat anak.

“Siyam kaming magkakapatid, kaya nga nagtataka ako kung paano nila nagawa ‘yun. Biro mo, lahat kami binigyan ng oras at panahon. Ako nga, ngayon apat, talagang nalulungkot ako kapag kailangan ko nang uling magtrabaho. Gusto ko, mas matagal pa ang oras sa mga bata.”

Nasabi ni Sharon na gusto pa niyang magka-baby. Okay naman kaya kay Sen. Kiko?

“Kung saan tayo dalhin ng Diyos,” pagtatapos ni Sen. Kiko.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.