Sen. Jinggoy Estrada, sinundan na ng misis sa Amerika

Jinggoy-EstradaKUNG WALANG aberya, lumipad na patungong San Franciso, California yesterday ang misis ni Sen. Jinggoy Estarda na si Precy para magpa-check-up. Nauna na ang Senador doon at thru overseas call na lang sila nag-uusap ng misis ayon sa kuwento ng isang Ejercito Family insider na direct contact namin.

Kuwento nito sa amin, nang lumabas nga raw ‘yong “playtime” na balita sa diumano ay nahuli si Sen. Jinggoy sa San Francisco International Airport na may dalang sandamakmak na US Dollars sa kanyang bagahe (tipong smuggling); nag-react diumano kaagad ito. Kaaalis lang ng Manila at kadarating rin lang sa SFO para maging advance party ng misis niya, may intriga na kaagad ang initial na reaksyon ng senador.

Tumawag kaagad ito sa Manila to check and verify kung sino ang nagsulat at kung saang diyaryo lumabasang tungkol sa balita.

Ayon sa kuwento ng contact namin, regular na siya mismong nagmo-monitor araw-araw ng broadsheets to keep Sen. Jinggoy updated sa sinasabing pork barell scam at ibinabalita nito sa senador kung anu-ano ang pinag-uusapan ng publiko, lalo na ang netizens sa Facebook at Twitter.

At ‘yong tungkol sa ‘US Dollar smuggling’ ni Senador sa airport, siya mismo nag-super react until mabasa niya nang buo ang istorya na isang biro or playtime lang.

We hope na sana maging ayos ang check-up ni Madam Precy sa San Francisco at makabalik sila agad ni Sen. Jinggoy para harapin ang kaso na kinahaharap nito ngayon.

 

KUWENTONG EJERCITO pa rin. Kilala natin ang pagiging chickboy ni dating Presidente Erap now Mayor of the City of Manila.

‘Di nga ba’t open secret naman ang tungkol sa dalawang babae sa buhay nito (na alam ng publiko) na sina dating Senadora Dra. Loi Ejercito na ina nina Sen. Jinggoy, Jude at Jackie at ang “the other” na si San Juan Mayor Guia Gomez na ina naman ni Sen. JV Ejercito.

Minsan, nang bumiyahe si Presient Erap sa Paris at kasama si Doktora; without the “legal wife’s” knowledge ay kasa-kasama rin pala sa trip ang dating staff ni Erap (sa kanyang personal business) na anak diumano ni Sen. Ernesto Maceda na naka-check-in din lang sa same hotel at nasa sa kabilang room and in the same floor.

Imbis na ilihim ay nabuking ni Doktora na deadma na lang sa pagiging chickboy ng mister.

Nagsumbong si misis sa anak na si Jackie na love na love ang kanyang mother tungkol sa kanyang nadiskubre sa Paris.

Hayun, walang kaabog-abog, nang malaman ni Ms. Jackie na ‘andu’n pala sa building nila (where Jackie and husband lives) ang sinasabing girlfriend ni Erap, inabangan niya ito at sa building lobby, without any drama, hinampas diumano ni Jackie ang sinasabing girlfriend ng amang si Erap ng kanyang LV bag na kebigat-bigat si babae.

Pagkahampas, sabay bitaw ng linya ng “legal daughter” sa girl na ayaw na niya itong makita sa naturang building (owned by the Erejcito) at sa opisina nila.

This incident happened a couple of years ago na hindi na lang naisulat pero naikuwento naman sa akin ng isang eye witness na personal kong kakilala.

 

GUSTO NI Direk Jeffry Tan (anak ni Bella Tan of Universal Records) na mag-iwan ng magandang legacy para sa kanyang ina kaya niya itinayo ang BellHaus Production in honor of her mom.

Dati na palang plano ng yumaong si Ms. Bella na magtayo ng production house bago ito namatay pero ang plano ay naging pangarap na ngayon ay isinasakatuparan ng anak.

Kaya nga to continue her mom’s legacy, ipinagpatuloy ni Direk Jeffry ang pagpo-produce at direct ng music videos, concerts like Power of Two nina Aiza Seguerra and Charice Pempengco and last Tuesday’s charity show na One Voice with Charice again for the victims of the earthquake in Bohol.

Aside from producing and directing shows, Bellhaus also handles Sassy Girls, a quartet of beautiful and sexy talented girls who can sing and dance and entertain the public na pang-General Patronage.

“Hindi kami (Sassy Girls) like Mocha Girls. Ayaw kong bastusin ang legacy ng mom ko,” sabi ni Direk Jeffrey sa amin.

Speaking of One Voice, hours before the concert nakausap namin si Charice and she told us na siya mismo ang bibisita sa Bohol to hand-in the donation na makokolekta at kikitain sa show noong gabing ‘yun.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Sen. Jinggoy Estrada, sinundan na ng misis sa Amerika

  1. Tiyak may ginagawang paglilinis yan sa US kasi kung talagang ang concern ng pagpunta doon eh tungkol sa wife nya, bakit sya pa tong naunang magpunta doon eh hindi man xa yong ipapa check up!. naker!

  2. NAKAKAPAGTAKA NAMAN ITONG BIYAHE NI SENATHIEF, BAT KAILANGANG IN ADVANCE PA. ANO ANG KAILANGAN NIYANG LINISIN SA AMERIKA? AT NAG-TRY NA BA SYANG IPAGAMOT DITO ANG MISIS NYA? O DI BA, TATAY NYA ANG FORERUNNER SA PAGPALAYAS SA MGA KANO, SA LUPA RIN PALA NG KANO MAGTATAGO. A CASE OF NATIONALISM FOR POLITICAL GAIN. KAYA HANGGANG NGAYON NILOLOKO PA RIN ANG MGA PINOY. AT NG BUONG PAMILYA PA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.